Movie Trivia: Amalia Fuentes
  • 23
  • 07

Movie Trivia: Amalia Fuentes
By Boy Silverio

Unang kumita ng liwanag sa Maynila noong Agosto 27, 1940. Unang naging ninong ng binyag ay ang kanyang amaing si Jose Amador at ang unang ninang naman niya sa kumpil ay si Mercedes Pons del Sol. Unang nagaral ng Grade 1 sa Sta. Isabel College sa Maynila. Nag-aral naman ng high school sa Davao Colleges sa Davao City. Unang pangarap ay maging isang tanyag na artista. Una munang natangahal sa “Miss Number One” bago lumabas sa pelikula. Kasabay niya si Juancho Gutierrez na siyang naging “Mr. Number One”. Unang gumanap sa pelikulang “Hindi Basta Basta” at unang ipinakilala sa “Prince Charming” ng Sampaguita Pictures noong 1955. Naging full-fledged star naman sa “Movie Fan” bilang kabituin ni Juancho Gutierrez. Unang naging contract star ng Sampaguita Pictures at ito’y sa loob ng pitong taon. May 44 pelikula siyang ginampanan sa SPI.

Unang naging Famas Best Actress for 1966 dahil sa pagganap sa “Ibulong Mo sa Hangin”. Naging Famas nominee rin sa pagiging Best Actress of 1965 dahil sa pagganap sa “Sapagkat Ikaw Ay Akin”. Unang sariling produksiyon ng pelikula ay ang AM Productions na ang unang pelikulang ginawa ay “Dream Girl”. Unang nakabituin si Romeo Vasquez sa “Madaling Araw”; si Fernando Poe, Jr. sa “Walang Hanggan”; si Eddie Rodriguez sa “O Pagsintang Labis”; si Dolphy sa “Kaming Taga-Ilog”; si Chiquito sa “Kiko En Kikay”; si Zaldy Zshornack sa “Sa Manlulupig Di ka Pasisiil”.

\Unang ikinasal kay Romeo Vasquez noong Enero 6, 1966. Ito ay Justice of the Peace Court ng San Ildefenso, Bulacan. Unang naging supling ay si Liezl na isinilang noong Marso 27, 1967. Unang inihabla ng Lea Productions noong Setyembre 16, 1969 sa salang “breach of contract” o pagsira sa isang nilagdaang pangako. Unang aktres na tinaguriang “superstar” sa local tinsel town. Unang naging highest paid actress at ito’y sa pelikulang “Destination: Vietnam”. Ang una pa sa rito ay sa “Ako’y Iyong Iyo.” Una ring nahirang bilang Asia’s Most Beautiful Actress batay sa survey na inilunsad ng Asia Magazine noong mga taong 1960.

 

Comments (0)

Leave a reply

Should you ever have a question, please dont hesitate to send a message or reach out on our social media.
More News
  • 23 Jul 2019
  • 0
Movie Trivia: Jun Aristorenas By Boy Silverio Si Jun Aristorenas naman ay naging mang-aawit, mananayaw at choreographer sa Manila Grand Opera House at maging sa...
  • 6 Jun 2019
  • 0
Walking along the dim and murky streets of Avenida, Manila, can make one paranoid. Stories of late-night robbery and thievery now plague its streets. One...
  • 4 Jun 2019
  • 0
He may be a man of few words, according to his children, but he is a man of action. Efren Ongpin Reyes Sr. is an...
X