Cachupoy
Isinulat ni Luciano Uyan
Komedian ng kahapon siya si Salvador Tampac na unang napanood sa M.G. Opera House noong 60s. Ang nag binyag sa kanya ng Cachupoy ay ang producer na si Lou Salvador, Sr. Siya’y nag-aral ng fine arts sa U.S.T., at bago nag artista ay namasukan muna sa isang construction company. Si Jose Miranda Cruz ang nagbigay ng break sa kanya sa movies. Una siyang lumabas sa Tatlong Mabilis noong 1965. Boxer at runner din si Cachupoy at bilang singer, kaanib siya sa grupong The Millionaires na binubuo niya, nina Manok, at Miniong Villegas noong 60s.
Comments (0)
Leave a reply