Pilita Corales
  • 16
  • 07

Pilita Corales
By Boy Silverio

Bago naging artista sa pelikula si Pilita Corales, pagkagaling niya sa Spain, siya’y nagkaroon ng programang “La Taverna” sa Radio DZPI. Ito’y tumagal nang isang taon at kalahati. Lumabas din siya sa mga stage show sa Manila Grand Opera House at nagkaroon ng mga singing engagement sa Australia at Far East, gayundin sa Las Vegas at sa Hong Kong.

Unang gumanap si Pilita Corales sa pelikulang “Mis Wawa” bilang pangunahing bituing babae noong 1968. May lima pang pelikula siyang ginampanan makaraan ito. Pinagkalooban din ng Famas ng karangalang L. S. Valdez Award noong 1970. Nagkamit ng CAT Award bilang Best TV Female Performer of 1965. Ang kanyang “Your Evening With Pilita” ay itinanghal ng CCMM bilang Best Musical TV Show para sa taong 1965, 1966, at 1968 at 1969.

Ang unang dalawang awiting isinaplaka ni Pilita sa Villar Recording ay ang “A Million Thanks to You” at “It’s You”. Marami na rin nagawaang LP Album. Naging recording artist din ng Jonal, Dyna, Vicor JEM at Alpha Recording. Ang mga nangyari tungo sap ag-aartista ni Marissa ay matutunghayan natin sa pamamagitan ng sarili niyang pangungusap. “Ako noo’y graduating na sa high school sa FEU. Dahil sa aming karalitaan, ako bilang panganay sa limang magkapatid ay napilitang maging isang salesgirl sa isang department store sa Avenida, Rizal. Namamasukan ako tuwing bakasyon naming sa paaralan.

“Isang araw, nabasa ng aking lolo sa pahayagan ang balitangb may isang movie company na naghahanap o nangangailangan ng tatlong bagong mukha para sa “Dalawang Kumander sa WAC, isang comedy picture na pinangunahan nina Dolphy at Panchito. Sa kaamuki at pagganyak ng aking lolo, nasumpungan ko na lamang ang aking sarili na nagpprisinta sa opisina ng nasabing studio isang araw. Salamat na lamang at ako ang napili. Ang dalawang iba ko pang kasamang napili ay di na nakapag patuloy sa pag-aartista makaraang gumanap sa dalawa o tatlo pang pelikula”.

 

Comments (0)

Leave a reply

Should you ever have a question, please dont hesitate to send a message or reach out on our social media.
More News
  • 23 Jul 2019
  • 0
Gregorio Fernandez Isinulat ni Luciano Uyan Ang actor-director na ama ni Rudy Fernandez. Isinilang si Yoyong sa Lubao, Pampanga. Una siyang gumanap sa silent film...
  • 11 Jun 2019
  • 0
Manila in the Claws of Light is 1975 film directed by Lino Brocka. It tells the story of a humble fisherman from the province, who...
  • 11 Mar 2019
  • 0
Celebrity fame may come and go but FPJ’s is sure to live on. As a man who came from humble beginnings, it came out natural...
X