Movie Trivia: Panchito Alba
  • 23
  • 07

Movie Trivia: Panchito Alba
By Boy Silverio

Bago naging artista si Panchito sa pelikula, naging barker sa mga stage show sa mga pistahan sa lalawigan. Naging barber rin at shoe shine boy ang komedyante. Ang nagbigay ng break kay Mang Ponso ay si Bayani Casimiro na nagrekomenda sa kanya sa bakuran ng Sampaguita Pictures.  Unang gumanap sa “Sa Isang Halik Mo Tita” ng SPI noong 1949. Ipinakilala naman sa “Barbaro” at naging ganap na bituin sa “Eca Babagut” ng SPI din. Itinanghal ng Famas bilang Best Supporting Actor of 1955 dahil sa pagganap ng Lupang Kayumanggi”. Mahigit nang 200 pelikula ang nagampanan mulang mag-artista hanggang 1995. Naging Famas nominee rin sa pagiging Best Supporting Actor of 1968 dahil sa pagganap sa “Dakilang Tanga”.

Bilang isang mang-aawit at bituin sa telebisyon, may 12 awiting isinaplaka sila ni Dolphy at nagkaroon ng mga palutuntunang “Winner Take All” at “Buhay Artista”. Unang nakatambal si Dolphy sa “Kalabog En Bosyo” noong 1950. Naging bida rin siya sa “Hippipotamus” ng Junar Productions. Huling lumabas sa
Home Sick Home” ng Star Cinema Productions. Maging isang mang-aawit at artista ang unang pangarap ni Alfonso Tagle, Jr. (in real life). Isinilang sa Sampaloc, Maynila noong Pebrero 6, 1925. Panganay sa anim na supling nina Etang Discher (artista rin) at Igmedio Tagle. Nakarating lamang siya ng second year high school sa Mapua High School.

Comments (0)

Leave a reply

Should you ever have a question, please dont hesitate to send a message or reach out on our social media.
More News
  • 9 Jul 2018
  • 0
Born on September 14, 1919, Josefino Cenizal grew up with immense mastery in music. His skill was greatly influenced by his mother, Rosario Ymson Cenizal,...
  • 23 Jul 2019
  • 0
Eddie San Jose Isinulat ni Luciano Uyan Singer, actor at radioman. Sa labis niyang popularidad noon, siya ang gumanap na producer, director at star sa...
  • 23 Jul 2019
  • 0
Movie Trivia: Amalia Fuentes By Boy Silverio Unang kumita ng liwanag sa Maynila noong Agosto 27, 1940. Unang naging ninong ng binyag ay ang kanyang...
X