Movie Trivia: Gloria Romero
  • 23
  • 07

Movie Trivia: Gloria Romero
By Boy Silverio

Nagsimulang lumabas si Gloria Romero sa Premiere Productions noong 1949 bilang ekstra. Mag-lalabing-pitong taon pa lamang si Tita Glo nang lumipat siya sa Sampaguita Pictures at ipinakilala sa pelikulang “Prinsipe Don Juan” at naging ganap na bituin sa “Palasig”, katambal ni Cesar Ramirez at ito’y itinanghal noon. Labing-apat na taong lumabas si Tita Glo sa bakuran ng Sampaguita Pictures at VP Pictires. Siya rin ang unang artistang nagkaroon ng pinakamahabang taong kontrata sa lahat ng mga naging artista nito. At sa loob ng panahong iyon ay nahirang siyang Best Actress of 1954 ng Famas dahil sa mahusay niyang pagganap sa “Dalagang Ilocana”.

Matapos naging hit satakilya, nagkasunud-sunod na ang mga pelikula ni Tita Glo nang sumunod na taong ito si Carmen Rosales sa “May Umaga Pang Darating”, si Ramon revilla sa “Confredia”, “Apat Na Taga” at “Mister Kasintahan”; at si Fred Montilla sa “Tulisang Pugot” at “Recuardo”. Kaalinsabay ng pagiging Best Actress of 1954, si Gloria ay itinanghal din ng Showman’s Club bilang Box Office Star of the Year bukod sa kinoronahan siya bilang Miss Visayas ng Philippine National Exposition. Hindi lamang naging hit ni Tita Glo sa taong naturan. Kabilang din sa mga kumita nang Malaki sa takilya ang “Musikong Bumbong” na kung saan niya unang nakatambal si Pancho Magalona; ang “Pilya” na kung saan rin una niyang nakatambal si Ric Rodrigo (pangalawa ba lamang ang Dalagang Ilocana at pangatlo ang “Biyenang Hindi Tumatawa); ang “May Bakas Ang Lumipas” na unang pagtatambal nila ni Rogelio de la Rosa; at ang “Kurdapya” bilang kabituin sina Ric, Ramon at Dolphy.

Sa kanyang mahusay na pagganap ng papel ng ating dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, siya’y naging Famas nominee sa pagiging Best Actress dahil sa pagganap sa “Iginuhit ng Tadhana” (1965) at “Pinagbuklod ng Langit” noong 1969. Taong 1965 naman nang maging malayang bituin o freelancer si Tita Glo. Ang unang pelikula niya bilang freelancer ay ang “Batang Muntinlupa” ng Lea Productions na kung saan niya unang nakatambal ang yumaong action star na si jess Lapid.

Comments (0)

Leave a reply

Should you ever have a question, please dont hesitate to send a message or reach out on our social media.
More News
  • 9 Nov 2018
  • 0
Born as Eric O. de Guia on Oct. 3, 1942, Kidlat Tahimik made himself known for his 1977 16-mm. film camera, Perfumed Nightmare, a story...
  • 9 Dec 2018
  • 0
Born with the aspiration to be a chemist, Luis Chiong of Cebu City brought his interest into photography and motion picture. He first got a...
  • 6 Jun 2019
  • 0
Oro Plata Mata isn’t for the faint of heart. The film shoves its audience into the blood, gore and violence that war entails. It also...
X