Gregorio Fernandez
Isinulat ni Luciano Uyan
Ang actor-director na ama ni Rudy Fernandez. Isinilang si Yoyong sa Lubao, Pampanga. Una siyang gumanap sa silent film na Hot Kisses. Ang una niyang talkies ay ang Birheng Walang Dambana. Bilang director una niyang dinirek ang Asahar at Kabaong. Noong 1955, Napanalunan niya ang Best Director Award sa pelikulang Higit sa Lahat sa 3rd Asian Film Festival sa Hongkong. Ang ilan sa mga classics na dinerek niya ay ang Senorita Celia at Balagtas, Putting Bantayog, Capas, Bohemio, Tatlong Pagkabirhen, Garrison 13 at Dalawang daigdig.
Comments (0)
Leave a reply